Tinabla ni Boston Celtics coach Brad Stevens ang million dollar contract offer ng isang college basketball team. ito ay ang Indiana University Hoosiers.
Ayon kay NBA insider Adrian Wojnarowksi, gustong kunin ng Indiana ang serbisyo ni Stevens. Gayunman, tinanggihan ito ng coach dahil ayaw niyang iwan ang Celtics.
“Thanks. But no thanks,” ani Stevens.
Ayon pa sa ulat, naghanda ang Indiana University ng 7-year, $70 million contract para gawin siyang head coach.
Ang Indiana ay isang most prestigious college basketball programs sa America. Malinawag na mas matimbang kay Stevens ang Celtics.
Kung kaya, ayaw nitong bumalik sa college level. Kahit na sa team ng kanyang home state.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2