January 23, 2025

BOTO NI BBM, BANTAYAN SA NAKA-AMBANG BROWN-OUT SA BILANGAN NG ELEKSYON

Kung ikaw ay isang taga-suporta ni presidential aspirant BBM o ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr, dapat na maging vigilante ka pagkatapos na maitarak mo ang iyong digpi (thumb mark) sa balota. Aba’y bakit? Pinangangambahan kasi na baka maulit na naman ang malawakang brownout pagkatapos ng eleksyon o sa mismong oras na ng bilangan.

Baka kasi may milagro na namang mangyari. Hindi lingid sa karamihan, kahit na yung hindi BBM supporters na liyamado sa survey si Dyunyor. Kahit pa nga pagsama-samahin ang bilang ng kanyang mga karibal sa survey, hindi uubra sa kanya.

Kaya, suntok sa buwan na manalo sila kay BBM. Ika nga ni Dyunyor sa kanyang talumpati sa mga ikinakasange rally, wala nang tulugan. Baka kasi, pag nakatulog ka, lumamang na naman ang kalaban.

Nadala na ang mga nagmamahal kay BBM sa resulta noon ng 2016 national elections. Kung saan, naniniwala sila na si Dyunyor talaga ang nanalo. Pero, dinaya lang. Kumbaga sa nilutong rekado, na-magic sarap. Ayaw na nila itong maulit pa. Mismong mga taga-suporta na rin ni BBM ang nagsabi na babantayan nila ang bilangant ng boto.

Kung pwede nga lang huwag kumorap, di nila gagawin. Dahil kung pag tatangkaan na namang dating si BBM, ipalalasap nila ang tunay na ‘People Power’.

Hindi rin maiaalis sa mga supporters ang pagdududa at kawalan ng tiwalat ngayon sa COMELEC. Lalo pa’t may banta na baka i-hack ang resulta ng bilangan. Bunsod ito ng mga nahuling 3 hackers ng NBI.

Hangad naman natin ng malinis na halalan at patas na pagpapatupad ng resulta buhat sa kinauukulan. Subalit, huwag ipagkait sa taumbayan ang tunay na takbo ng bilangan. Lalo na’t kitang-kita naman sa madla kung sino ang sureball na mananalo.