Sumampa na ang Boston Celtics sa NBA Finals matapos ang 12 taong paghihintay. Binalibag ng Celtics ang Miami Heat sa Game 7 ng Eastern Conference finals, 100-96.
Bumira ng 26 points, 10 boards at 6 assists sa big win si Jayson Tatum. Siya rin ang hinirang na Eastern Conference Most Valuable Player.
“To get over the hump with this group, it means everything.Not a lot of people believed in us, but it worked out,’ aniya.
Nag-ambag naman ng tig-24 points sina Marcus Smart at Jaylen Brown. Sa panig naman ng Miami, bumanat ng 35 points si Jimmy Butler.Masaya naman si Celtics veteran big man Al Horford sa pagpalaot nila sa finals. Sa edad na 35, unang sasabak sa finals ang nasabing player.
“This group is special.I’m happy to be sharing this moment with these guys,’ saad nito.
Pagsampa pa lang ng unang quarter, umalagwa agad ang Boston. Lumamang pa sila ng double-digit. Pinilit humabol ng Miami pero naapula agad ng Boston ang apoy.
Nakadikit ang Heat sa fourth quarter, 96-98 sa 8-0 run. Pagkakataon na sanang malamang ng team nang tumira sa tres si Butler. Subalit, hindi ito pumasok.Haharapin ng Celtics ang Warriors sa best-of-7 finals. Magsisimula ang Game 1 sa Biyernes sa San Francisco.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA