
Pinalo ng Boston Celtics ang Milwaukee Bucks sa Game 4 ng East semifinals. Rumatsada ang Celtics sa 4th quarter upang ungusan ang Bucks sa huge win, 116-108. Nagtuwang sina Al Horford at Jatson Tatum sa 60 points combination.
Bumuslo ang na-triggered na prime Horford ng 30 points, 8 boards at 3 assists. Bumanat naman si Tatum ng 30 points, 13 boards at 5 assists.
Nag-ambag naman si Marcus Smart ng 18 points, 8 assists at 2 blocks. Habang si Jaylen Brown ay bumira ng 18 points at 3 rebounbds.
Sa panig naman ng Bucks, gumawa si Giannis Antetokounmpo ng 34 points, 18 boards at 5 assists. Habang si Brook Lopez ay bumanat ng 17 points, 7 boards at 1 block.
Si Jrue Holiday naman ay gumawa ng 16 points, 9 assists at 7 rebounds. Sa ngayon ay tabla na sa 2-2 ang series. Ang Game 5 ay idaraos sa balwarte ng Boston.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT