Rumesbak ang Boston Celtics sa Golden State Warriors sa Game 3 ng 2022 NBA Finals. Ginarote ng home team ang Warriors sa iskor na 116-110. Bumida sa big win ng Celtics si Jaylen Brown na nagtala ng 27 points. Kasama na rito ang 9 boards at 5 assists.
Nagdagdag naman si Jayson Tatum ng 26 points, 9 assists at 6 boards. Nag-ambag naman si Marcus Smart ng 24 points, 7 boards at 5 asssists. Sa panig naman ng Warriors, kumamada si Steph Curry ng 31 points, 4 boards at 2 steals.
Habang si Klay Thompson ay nag-ambag ng 25 points, 3 boards at 3 assists. Si Andrew Wiggins naman ay may produksyon na 18 points, 7 boards at 2 assists.
Rumatsada agad sa opening quarter ang Celtics ng 10 point blast. Bitbit nito ang kalamangan na 11 points sa first quarter, 33-22. Tangan din ng Celtics ang 12 point lead sa half-time, 68-56.
Pagsapit ng third quarter nagtangkang dumikit ang Golden State. Naibaba pa nga nito ang lamang sa 4, 93-89 sa third quarter.. Bumira ang Warriors ng 14-3 run sa tangkang makahabol. Pero, gumana ang opensa ni Tatum sa fourth quarter.
Kaya naman, naapula nito ang Warriors na makahabol. Kaya, ang lamang na 4 points ay muling naibalik sa double digit. Ginamit din ng Boston ang size, quickness at hassle defense upang maitala ang panalo.
Lamang na sa series ang Celtics, 2-1 at idaraos ang Game 4 sa Sabado (PH standard time.)
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2