Nakamig ng Boston Celtics ang panalo sa Game 1 ng 2022 NBA Finals. Binalibag ng underdog away team ang Golden State Warriors, 120-108. Bumida si Jaylen Brown sa big win ng Celtics na bumanat ng 24 points. Kung saan, 10 points ang itinala nito sa fourth quarter.
Nag-ambag naman ang big man na si Al Horford ng 26 points. Habang si Derrick White ay 21 points off the bench. Nagtapos naman si Marcus Smart ng 18 points. Off night naman ang produksyon ni Jayson Tatum na may 12 points lang. Gayunman, nag step-up ang mga kakampi nito.
Bumira naman si Steph Curry ng 34 points kung saan, 21 rito ay mula sa first quarter. Nagdagdag naman si Andrew Wiggins ng 20 at Klay Thompson ng 15 points. Maganda ang opensa ng Warriors sa first quarter. Subalit, nakahabol ang Boston at naitarak ang 56-54 lead sa half time.
Patuloy ang ratsada ng Celtics at bumuslo ito ng 9 threes sa final quarter. Naitala rin nito ang 20-9 run upang makaungos sa 109-103, may 4:49 time left. Mula rito, bumira pa ang Boston ng 11 points at 5 points lang sa Warriors. Lamang sa 1-0 sa series ang Celtics. Idaraos naman ang Game 2 sa Chase Center sa June 5 (June 6, 8:00 A.M PH standard time).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA