May 8, 2024

BOSERO KALABOSO SA MALABON (Dalaga sinilipan habang naliligo)

SHOOT sa selda ang isang forklift operator matapos silipan ang isang dalaga habang naliligo sa loob ng banyo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa paglabag sa Article 287 (Unjust  Vexation) of the revised Penal Code ang suspek na Jose Cayao, 32 ng Block 45B, Phase III, E2, Salmon St., Brgy., Longos.


Nabatid na habang nakahubad na naliligo ang biktimang itinago sa pangalang “Rosana”, 25, cashier, sa loob ng banyo ng mga babae ng inuupahan niyang apartment sa Brgy. Longos nang makita niya ang suspek na sumilip mula sa labas ng bahagyang nakabukas na bintana ng banyo dakong alas-10:20 ng gabi.


Sa takot ng biktima, napasigaw ito ng “Hoy isusumbong kita” bago humingi ng tulong sa kanyang mga room mates saka tumawag ng mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.