Inaasahan na dadagsa ang turista sa Boracay, isa sa pinakamagandang isla sa Asya, ngayong taon.
Ayon kay Malay Mayor Floribar Bautista, target nila ang 2.3 milyong turista sa 2024, bahagyang mas mataas ngayong 2023.
Sinabi pa nito na para ngayong 2023, nasa 11 resorts na ang nag-apply ng permits para makapagsagawa ng fireworks display upang salubungin ang Bagong Taon.
Saad pa nito na ang fireworks display ang isa sa major toursim attraction sa resort island na ito tuwing sasapit ang Bagong Taon.
“I have received reports that hotels are already fully booked this year to celebrate New Year. Last year, only eight hotels had applied for a permit to conduct a fireworks display,” dagdag niya.
Bawat hotel ay naglaan ng P1 milyon upang ipagdiwang ang Bagong Taon dito sa Boracay. Tumatagal ang fireworks display ng 20 minuto.
More Stories
3 JAPANESE NA MAY ARREST WARRANT, IPINA-DEPORT NG BI
DOST-PCCI innovation hub magpapalakas sa enterprises’ growth
178 PUSLIT NA GAGAMBA NASABAT NG BOC-PORT OF CLARK