November 24, 2024

BONG GO, SUPORTADO ANG RENEWAL NG PRANGKISA NG DITO

Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go ang renewal ng prangkisa ng Dito Telecommunity.

Ayon kay Go, malaking bagay ang third telco na Dito para mapagbuti ang telecommunications at internet services sa bansa.

“I, however, reiterate to the leadership of DITO to ensure that the grant of legislative franchise is not the end of its journey; rather, it is only the beginning,” ayon sa senador.

Binilinan din ni Go ang Dito na ang prangkisa at pribiliheyo at may mga kondisyon silang kailangang matugunan para sa renewal.

“Your franchise is not a right but a mere privilege, at malaki po ang tiwala namin dito sa Kongreso at ng lahat ng mga Pilipino na makakatulong kayo sa pag-unlad ng ating bayan,” dagdag ni Go.

Noong August 24 ay inaprubahan na ng House of Representatives sa third at final reading ang prangkisa ng DITO Telecommunity Corp. para sa panibagong 25 taon.

Sinabi ni Go na mahalagang mapagbuti ang serbisyo ng network sa bansa.

“I urge the private sector to help government in uplifting the lives of Filipinos especially in these trying times. Now, more than ever, the people’s welfare must be prioritized over profits for a few. Unahin po natin ang kapakanan at interes ng ordinaryong Pilipino,” ani Go.

Sa ngayon ayon kay Go, nahuhuli pa rin ang Pilipiinas sa mga kapitbahay nitong bansa pagdating sa internet speed at access.

Ani Go, mismong siya ay nakararanas ng pagbagal ng kuneksyon.

“Kahit ako nga nahihirapan sa internet connection. ‘Yung mga Senate sessions, hearings at meetings ngayon ay virtual na bilang pagsunod sa social distancing measures. Apektado ang trabaho kapag mabagal at hindi reliable ang ating internet connection,” ayon pa kay Go.

Noong July 27 ay naghain si Go ng panukalang batas para sa maipatupad ang e-governance at makasabay na sa digital age.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1738 o E-Governance Act of 2020, ang gobyerno ay kailangang makapagtayo ng integrated, interconnected, at interoperable information at resource-sharing and communications network.

Malaking tulong aniya kung maipatutupad ang e-governance dahil mababawasan ang red tape at korapsyon.

“Having a transparent, efficient and responsive delivery of government services is key to reducing corruption and empowering the people to exact accountability from public servants,” ayon pa sa senador.