
Sasalang si presidential aspirant Bongbong Marcos sa isang panayam sa Net 25. Ikakasa ang one-on-one interview sa ‘ Ano Sa Palagay N’yo’? (A.S.P.N).
Ang host ng nasabing programa ay sina Ali Sotto at Pat-P Daza. Mapapanood ito sa linggo, Feb. 6 sa ganap na alas 9:00 ng gabi. Ito’y pagkatapos ng comedy show na ‘ Quezon CT’.
Dito ay tatalakayin ang mga plataporma at programa ni BBM. Gayundin ang balak niyang gawin sa bawat aspekto kung sakaling manalo bilang Pangulo.
Nananatiling number one sa survey si Marcos at dito maipaliliwanag niya ang tungkol sa ilang isyu. Siya ang unang presidential aspirant na kakasa sa panayam, na bahagi ng nasabing programa. Lahat ng presidentiable aspirants at iba pang kandidato ay kakapanayamin din sa mga susunod na araw.
More Stories
JAKE PAUL VS CHAVEZ JR! SUNTUKAN NGAYONG HUNYO — ‘EL GALLO DE DORADO’ VS ANAK NG LEYENDA!
Linisin ang Hanay—Tapusin ang “Kolek-tong” sa Calabarzon
5 patay sa lunod noong Biyernes Santo, mga nasawi umakyat na sa 9 sa Calabarzon