
DINAKIP ng pulisya ang isang 42-anyos na lalaki matapos magbiro tungkol sa bomba sa loob ng Quiapo Church kaninang umaga.
Sa ulat, 6:00 ng umaga nang magsumbong ang isang deboto sa Plaza Miranda Police Community Precinct dahil sa isang lalaki na nambubulong umano sa mga kapwa deboto na may pasasabugin na bomba.
May dalang bag ang lalaki na mga personal na gamit lamang ang laman.
Ayon kay PCP chief Captain Rowell Robles, maaring maharap ang lalaki sa kasong paglabag sa Anti-Bomb Joke Law.
Samantala, sa huling tala ng Plaza Miranda PCP, higit 11,000 ang crowd estimate sa Quiapo Church nitong Biyernes ng umaga at inaasahang dadami pa hanggang gabi. TOMAS BARROT
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN