TINUPOK ng apoy ang bodegang imbakan ng mga piyesa ng motorsiklo sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng Caloocan City Fire Department, sumiklab ang sunog dakong ala-1 ng madaling araw sa loob ng opisina ng bodegang pag-aari na isang Alberto Uy sa 320 A. Poblacion, A. Mabini Brgy. 19.
Lumabas sa imbestigasyon, unang nakarinig ng mahinang pagsabog ang caretaker ng bodega na si Kimberly Emilio at nang silipin niya ay malaki na ang apoy na umabot lamang sa unang alarma makaraang makontrol kaagad ang apoy ng rumespondeng mga bumbero dakong ala-1:38 ng madaling araw.
Tuluyang naapula sunog dakong alas-2:39 ng madaling araw kung saan wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa insidente na puminsala sa may P2 milyong halaga ng ari-arian.
Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga arson investigators ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY