Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC), sa pangunguna ng Intelligence Group ang smuggled na mga sigarilyo sa Sulu.
Ayon kay Deputy Commissioner for Intelligence Group (IG) Juvymax Uy, nakatanggap ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), sa pamumuno ni Director Verne Enciso, ng impormasyon kaugnay sa storage warehouse na pinag-iimbakan ng smuggled na mga sigarilyo.
Agad gumawa ng aksyon ang BOC-IG kaugnay sa natanggap na impormasyon at nag-isyu ng Letter of Authority na may lagda ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.
Ininsepksyon ng mga operatiba ng BOC ang warehouse, kung saan natagpuan ang 18,533 kahon ng iba’t ibang imported na sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.4 bilyon, kabilang ang Bravo, New Far, BPBM, Billionaire, Cannon, Souvenir, Astro, Wilcon, New D’ Premier, B&E Ice, at Fort.
Sinamahan ang BOC ng tropa ng Western Mindanao Command-Armed Forces of the Philippines (WESMINCOM-AFP), 11th Infantry Division, Philippine Army (11ID P.A.), Philippine Air Force-Special Operations Wing (PAF-SPOW), Joint Task Force (JTF)-Sulu, Philippine Navy-Naval Special Operations Unit (PN-NAVSOU), at PN Naval Forces Mindanao.
“Remember that this happened in Sulu, in Indanan. Yet, despite how far Mindanao is from us, we made sure that distance won’t stop us from serving the LOA,” ayon kay Uy. “Simply put, we will stop at nothing, and we will be present in every corner of the Philippines to make sure there won’t be space for these illegal activities,” dagdag pa niya.
Maglalabas ang District Collector ng Port of Zamboanga ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa subject na smuggled cigarettes dahil sa posibleng paglabag sa Executive Order No. 245 o “Amended Rules and Regulations Governing the Exportation and Importation of Leaf Tobacco and Tobacco Products,” National Tobacco Administration (NTA) Memorandum Circular No. 03, series of 2004; NTA Board Resolution No. 079-2005 na may kaugnayan sa Sec. 1113 (f and Sec. 117 in connection to section 1401 of R.A. No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA