May 6, 2024

3 SUSPEK ARESTADO SA DRUG BUY BUST NG RIZAL PNP

HULI ang tatlong suspek sa ikinasang drug buy bust operation sa Kasiglahan Village, Brgy San Jose, Rodriguez Rizal kamakailan.

Sa report ni Rizal Police Provincial Director, PCol. Dominic L Baccay kay Calabarzon Regional Director PBGen Jose Melencio C. Nartatez Jr, kinilala ang mga naaresto na sina Mark Arnibal y Polintan @Baton, 34-anyos, traysikel driver; Christian Cano y Dunanao, alyas Bunso, 27, conductor ng jitney; at Charlene Añes y Culima alyas Bibe, 24-anyos.

Ang tatlong suspek ay pawang residente ng Rodriguez, Rizal.

Nakumpiska sa pag-iingat ng tatlo ang 180 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱1,224,000.00

Bukod sa bawal na droga, nakuha rin sa mga suspek ang isang kalibre 45 na baril, walong piraso ng bala para sa kalibre 45, dalawang piraso ng kalibre 45 na magazine at dalawang motorsiklo na Yamaha MIO. Noong Marso 11, alas-4:30 ng hapon isinagawa ang drug bust operation laban sa tatlong salarin  sa kahabaan ng Anak Pawis, Kasiglahan Village, Brgy San Jose, Rodriguez Rizal.

P/Lt. Col. Rosell Encarnacion Sir, baka gusto n’yo po aksyonan ang illegal na pasugalang color game at dropball ni alyas Roy at Jenny salot daw at maingay sa mga kabahayan, pati bata pinatataya sa Sitio Pulong Diablo, Brgy., San Isedro, Montalban Rizal.