
Pinagtibay ng Bureau of Customs (BOC) ang patuloy na pakikipagtulungan sa World Customs Organization (WCO) sa hangarin nitong makamit ang customs administration na naaayon sa pandaigdigang pamantayan.
Nag-courtesy call ang mga kinatawan ng WCO kay Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio, kung saan tinalakay nila ang programa at iba’t ibang hakbang sa pagpapadali sa kalakalan sa ilalim ng Mercator Programme.
Sa pulong, sumentro ang mga talakayan sa iba’t ibang proyekto ng kawanihan, tulad ng Customs Organizational Development at Trade Facilitation Agreement (TFA) Technical Measures.
Tinukoy din nila ang Customs Organizational Development projects, kabilang ang National Customs Trade Facilitation Champions, Competency-based Human Resource Management, Integrity Development, Leadership and Management Development at Gender Inclusivity.
Tinalakay din ang TFA Technical Measures, partikular ang Time Release Study, Expedited Shipment – Air Cargo Streamlining, Authorized Economic Operator Program, Risk Management at ang National Customs Enforcement Network.
Dinaluhan ang pagpupulong ni Donia Hammami, head ng Accelerate Trade Facilitation Programme ng United Kingdom’s His Majesty’s Revenue and Customs-WCO-United Nations Conference for Trade and Development (HMRC-WCO-UNCTAD).
Naroroon din si Stephen Muller, isang Time Release Study (TRS) at Trade Facilitation Agreement (TFA) expert.
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay