
MISMONG si Pasig City Mayor Vico Sotto ay nag-donate ng sariling dugo sa Plaza Bonifacio Hall sa nabanggit na siyudad.
Dahil sa pandemya ng COVID-19 pandemic, ikinalungkot ni Sotto na iilan na lamang ang nagdo-donate ng dugo, na dahilan para magkulang ang supply ng dugo sa blood banks na malaking tulong para sa mga nangangailangan.
“Napakasakit mawalan ng mahal sa buhay dahil sa kakulangan ng dugo sa blood bank,” aniya sa Facebook.
Ibinahagi ni Sotto ang kanyang larawan sa social media account habang nakahiga sa isang kama hawak ang isang bag ng dugo na kanyang idinonate.
Aniya na regular na nagsasagawa ng blood-letting activities ang pamahalaang lungsod subalit marami ang takot na mag-donate.
“Because of this, we are stepping up our blood-letting drives,” wika ni Sotto.
“Kung malusog po tayo at kaya natin, mag-donate po tayo!” saad pa ng alkalde.
Ang naturang blood-letting drive na pinangangasiwaan ng mga empleyado ng Pasig City government ay aarangkada tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali simula ngayong Setyembre 4.
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay