Ipinahayag ni NBA Commissioner Adam Silver na walang basehan na nakaapekto ang ‘Black Lives Matter Campaign’ sa ratings ng liga.
Ito’y sa kabila ng paniniwala ng mga critics na ang desisyon ng NBA na suportahan ang campaign movement— ay nagresulta ng negatibo sa ratings.
Ngunit, ayon kay Silver, wala umanong datus na sumusuporta sa sinasabing mga bentang.
Sa panayam ni Bombai Jones ng ESPN via GQ, sinabi ni Silver na paglatag ng social justice advocacies ng liga ay nagbunga ng paghina ng liga. Ni, bumulusok ang popularity nito.
Kung totoo ang sapantaha ng iba, bakit patuloy ang pagtangkilik ng real fans sa liga.
“Now, some people might suggest that the words Black Lives Matter are causing massive amounts of people to tune out the NBA.”
“There’s absolutely no data to support that. And in fact, as I said, there’s no doubt there are some people—and whether or not they were truly our fans to begin with is unclear—who have become further engaged with the league because they believe in our players and they believe in the positions they’ve taken, even if they don’t agree with everything they say. They respect their right to speak out on issues that are important to them,” aniya.
Batid ng liga na tataas pa nga ang ratings ng liga dahil sa stay-at-home restrictions. Na ipinatupad sa ilang bansa dahil sa COVID-19 pandemic. Ngunit, bumaba ang rating ng NBA finals.
Nagtala lamang ng 7.5 million average viewers sa loob ng six games sa pagitan ng Miami Heat at Los Angeles Lakers. Halos 51 percent ang ibinaba nito kumpara noong nakaraang taon.
Noong Oktubre, sinabi ni Silver na aalisin na ang ‘Black Lives Matter’ messages sa home arenas sa paparating na season.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2