November 24, 2024

BJMP, PNP, BFP, PINAYAGAN MAGSUOT NG LIGHT UNIFORM DAHIL SA MATINDING INIT

Pinayagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na magsuot ng light uniform sa gitna ng mainit na panahon na nararanasan sa bansa.

Inatasan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang lahat ng head sa tri-bureau na mag-isyu bilang “urgent advisory” kaugnay sa uniform attire.

“In view of the foregoing, you are hereby directed to issue an Urgent Advisory for all PNP, BJMP and BFP personnel to wear light uniforms in the performance of their respective duties to alleviate discomfort and protect them from illnesses such as heat cramps, exhaustion, heat stroke, among others, due to extreme heat,” saad sa memorandum.

Matatandaan na bago ang utos ng DILG, naglabas na ng memorandum ang BJMP nitong nakaraang linggo sa binagong iskedyul ng pagsusuot ng uniporme sa panahon ng tag-araw, na nagpapahintulot sa mga tauhan nito na gamitin ang mga gray na kamiseta nito mula Martes hanggang Biyernes.

Sa inilabas na pahayag ng DILG, sinabi ni Abalos na, “The welfare of our uniformed personnel comes first especially as they perform their sworn duty.”

“The tri-bureau’s line of work already poses a lot of risks, now coupled with the hazards of extreme heat temperature kaya kailangan din natin protektahan ang ating uniformed personnel from the PNP, BFP and BJMP,” ani pa ni Abalos.