INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) ang implementasyon ng pinalawig na travel ban, kasama ang Oman at United Arab Emirates (UAE) simula Mayo 15.
Ibinahagi ni BI Commissioner Jaime Morente na nakatanggap sila ng kautusan mula sa Malacañang na i-extend ang pansamantalang travel ban sa mga biyahero na galing sa India, Pakistan, Nepal, Bangladesh at Sri KLanka hanggang Mayo 31.
“Following said order, those coming from Oman and UAE will temporarily be barred as well, until the end of the month,” saad ni Morente. “Those who will be coming from, or have a travel history within the last 14 days from the 7 countries will excluded and sent back to their port of origin,” dagdag pa nito.
Sinabi naman ni BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong, hindi nila aasahan ang sinuman na darating sa nasabing mga bansa, dahil inatasan ang mga airlines na huwag payagan makasakay ang mga pasahero na pinagbawalan na makapasok, maliban kung sila ay bahagi ng repatriation efforts ng national government.
Samantala, nilinaw ni Capulong, ang mga papayagan lamang na pumasok sa Pilipinas ay mga pasaherong nag-transit sa naturang mga bansa pero hindi lumabas ng airport terminal o hindi tinatakan ang passport ng immigration authorities kung saan sila nag-transit o nag-layover.
Ipinatupad ang flight ban upang mapigilan na makapasok ang bagong COVID-19 variant mula sa India.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE