December 24, 2024

Binata na wanted sa murder nasakote ng Valenzuela Police sa SACLEO

ARESTADO ang isang 19-anyos na binata na wanted sa kasong murder ng mga tauhan ng Valenzuela police sa Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Meycauayan, Bulacan.

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong akusado bilang si Aldrin Dalagan at residing ng No. 220 Encarnado Compound, Tugatog, Meycauayan City, Bulacan.

Ayon kay Col. Destura, nakatanggap si PLt. Joel Madregalejo, hepe ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police ng impormasyon na nakita ang akusado sa kanilang lugar na isa sa mga most wanted ng lungsod kaya’t agad silang nagsagawa ng validation.

Nang positibo ang ulat, kaagad nagsagawa ng joint manhunt operation ang WSS sa pangunguna ni PLt. Madregalejo, kasama sina PSSg Archie Castillano, PSSg Raul Quimbo, PSSg Erwin Castro, PSSg Jonathan Garcia, PCpl Jeffrey Natural Jr., Sub-Station 6 sa pangunguna ni PLt. Armando Delima,  Pat Jerick Melad, Pat Roniel Reyes Jr., at PEMS Arnel Cristobal at 5th MFC, RMFB, NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-4:02 ng Huwebes ng hapon sa Gulod Street, Tugatog, Meycauayan City, Bulacan.

Ani PSSg Junrey Singgit, isinilbi ng pulisya sa akusado ang isang Order to Take Custody para sa kasong Murder na inisyu ni Presiding Judge Evangeline S Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court (RTC) Branch 270, Valenzuela City na may petsang July 21, 2022 at walang piyansa na inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz ang Valenzuela Police sa matagumpay na operation kontra sa mga most wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado.