May 18, 2024

BILYARISTANG PINAY SASARGO NG TAGUMPAY- AMIT

KUMPIYANSA si world billiards champion Rubilen ‘Bingkay’ Amit na mas maraming Pinay bilyar players ang mabibigyan ng pagkakaton na maipakita ang kanilang mga talento at masustinahan ang pagsulong ng sports sa programa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa women’s billiards.

Ayon kay Amit, pinakamatagumpay na babaeng atleta sa larangan ng bilyar, napapanahon ang PSC Women’s 9-Ball tournament na sasargo sa Marso 25-26 para mabigyan ng pagkakataon ang mas marami pang players na makapaglaro sa mga kompetisyon at masanay para makapagbigay ng karangalan sa bansa mula sa international competition.

Inamin ni Amit na naging tahimik ang billiards kumpara sa panahon na namayagpag sina Efren ‘Bata’ Reyes, Django Bustamante at madugtungan ng kanyang tagumpay sa women’s stage, ngunit patuloy aniya ang mga programa sa sports at sa pakikipagtulungan ng pribadong sector at mga LGU’s umaasa siyang manunumbalik ang sigla ng sports.

“Actually po, to bo honest marami pa ring Pinoy na champion sa billiards. Medyo tahimik lang right now. Kaya on my part, I try my best na makatulong na  mabigyan ng recognition ang mga bagong players. Kaya po nating mag-produce ng maraming champion. Yung men’s team natin napalakas na, kaya yung women’s team ang kailangan naming palakasin. Marami na uling opportunity kaya tuloy-tuloy lang kami sa billiards.

“Maganda po itong PSC Women’s 9-ball tournament na inorganized ni Commissioner Bong Coo. Para po ito sa grassroots na napakahalaga po para sa continuity ng development program sa sports. Right, now po may 11-year-old tayong players mula sa Zamboanga na napakahusay. Meron din tayong batang champion from Bacolod na talagang promising,” pahayag ni Amit sa ‘Women’s Month’ session ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room sa Malate, Manil.

“Sa ngayon po kasi kami lang ni Chezka (Centeno) ang sa National Team na lumalaban sa kompetisyon sa abroad. Right now, malaki ang tsansa natin. Maraming malalakas na players na talagang tumatalo sa mga players nating lalaki. Hopefully, in the future makapag-produce uli tayo ng world champion,” aniya.

Bukod sa Women’s 9-ball na bahagi ng programa ng PSC para sa pagdiriwang ng ‘Women’s Month’, sasargo din ngayong buwan ang Amit Cup Finals na magtatampok sa 16 na pinakamahuhusay na women’s cue artists sa bansa.

“Yung top 16 po after five series of the tournament ang maglalaban sa Amit Cup. Focus kami sa grassroots at talagang nakita natin dito ang mahuhusay  na players na puwedeng-puwede sa National Team,” ayon kay Amit sa sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Behrouz Persian Cuisine.

Ipinahayag din ni Amit ang kahandaan kasama si Centeno sa kanilang pagsabak sa carom event ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

“First time naming lumaban sa carom dahil ito lang ang event sa Cambodia. We’rejust hoping na makasilat dahil iba ang approach naming dito. We’re just hoping going there to bring honor for the country,” pahayag ni Amit.