November 24, 2024

BILANG NG NAG-SUICIDE TUMAAS DAHIL SA PANDEMIC

Noong nakaraang taon lamang ng kitilin ng isang magsasaka sa Roxas City, Capiz ang kanyang sariling buhay matapos mawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic.

Hindi ito masasabing isolated cases lamang, kung pag-aaralang mabuti ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, lumubo sa 57.3 percent ang bilang ng nagpakamatay noong 2020 dahil sa pandemic at mga ipinatupad na lockdown na naging sanhi para mawalan ng trabaho ang milyong-milyong Filipino.

Mula sa 2,810 deaths sa pamamagitan ng intentional self-harm noong 2019, halos dumoble ito o umabot sa 4,4420 noong 2020.

Isinulat ni Health expert Lily (PhD) na ang pagtaas ng kaso ng pagpapakamatay ay naging isang global concern, na sinasabing ito ay dahil sa ilang kadahilanan, katulad ng loss of work at financial instability.