September 19, 2024

BIKER MALUBHA SA TRAK

MALUBHANG nasugatan ang isang 25-anyos na biker matapos bumangga sa isang tractor truck habang binabagtas ang kahabaan ng northbound lane sa Roxas Boulevard malapit sa kanto ng Katigbak Drive sa Ermita, Manila kaninang madaling araw umaga.

Agad na isinugod sa Ospital ng Maynila si John Paul Cruz, 25, ng 335 Matimtim St., Tondo sa nabanggit na siyudad.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit- Vehicle Traffic Investigation Section, naganap ang insidente dakong alas-3:39 ng madaling araw.

Kwento ng driver na si Marlon Cadungog, 42, of  Blk 1, Lot 2, Progressive Line Village, Molino II, Cavite, bago makarating sa Burgos Street ay sumalpok sa likurang bahagi ng kanyang trak ang bisikleta, dahilan upang tumalsik si Cruz.

Agad isinugod ng ambulansiya ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa ospital si Cruz.

Sasampahan ng kasong reckless of imprudence resulting in physical injuries at damage to property laban kay Cadungog.