
Pinarangalan din ang ‘Big 4’ na sina Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Eumir Marcial at Carlo Paalam ng Kongreso. Ipinagkaloob ng House of Representatives kay Diaz ang Congress Medal of Excellence.
Ito na ang ikalawang beses na natanggap ni Diaz ang nasabing parangal. Una ay nang bumuhat siya ng silver medal sa Rio Olympics.
Ang mga parangal ay natanggap ng apat sa isinagawang courtesy call sa Batasang Pambansa kamakailan. Pinarangalan naman ng Congressional Medal of Distinction sina Nesthy Petecio, Eumir Marcial at Carlo Paalam.
Ang naabing award ay ipinagkakaloob sa mga Filipino achievers sa iba’t ibang larangan. Kagaya ng sports, medisina, kalakaran, siyensiya at iba pa.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT