NABALI ang gulugod ng kalaban sa pamatay na tres ni San Beda Red Cub Lanze Ronquillo upang makaambag sa panalo at makapasok sa huling semifinals slot ng National Collegiate Athletic Association( NCAA) Juniors division season kamakalawa sa San Andres Sports Complex sa Maynila.
Ang panalo ng Cubs ang siyang kumumpleto sa final four ng NCAA Juniors ka-grupo ang Colegio San Juan de Letran,College of Saint Benilde- LaSalle Greenhills at Mapua University.
Ang San Sebastian College ay sumadsad sa pang-lima matapos malusutan ng San Beda na nakahabol naman sa viaje tungong magic four.
Nagsimulang dumistansiya ang Cubs sa ikatlong yugto pasimuno sina Chris Jubilla, Jarmaine Lecciones,John Lopez at Lanze Ronquillo. Lumobo pa ang kalamangan ng Red Cubs sa pampinaleng yugto sa pagpasabog ng magkasunod ng three-pointers ni Ronquillo na nagpasiklab ng 11- 2 runs at ga- bundok na tambak 79 – 59 tungo sa pagsungkit ng huling tiket ng defending champion San Beda juniors.
Ang mahusay na orkestrasyon sa laro ni Lanze( anak ni basketball enthusiast Joseph ” Otep” Ronquillo- SVP ng COCOLIFE)upang manatiling mataas ang adrenaline sa kanilang misyong panibagong kampeonato.
Nanindigan para sa kanilang losing cause sina Staglets Rion Porcadas at Justino upang dumikit sa laban, 76-85 pero hanggang doon na lang ang kanilang nakayanan
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA