Napasama sa listahan ng “50 best cakes” sa buong mundo ang malambot at masarap na bibingka ng Pilipinas.
Batay sa inilabas na listahan ng Taste Atlas, nasa ika-13th puwesto ang bibingka mula sa 50 cakes sa buong mundo.
Ang bibingka na tradisyonal na niluluto sa palayok na may dahon ng saging ay nakakuha ng rating na 4.43 mula sa mga audience ng Taste Atlas.
Kadalasang inihahain ito ng mga Pinoy tuwing Pasko o pagkatapos mag-Simbang Gabi.
Sa Angeles City sa Pampanga, tinatangkilik ang bibingka tuwing Chirstmas holidays ka-partner ang mainit na Suklating Batirol.
Nabanggit din ito sa pelikulang Deuce Bigelow, Male Gigolo na pinagbibidahan ni Rob Schneider na Filipino heritage.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA