January 25, 2025

BIAZON, SINALUDUHAN NG MGA SENADOR

SINALUDUHAN ng mga dati at kasalukuyang Senador ang yumaong Senador Rodolfo Biazon sa ginanap na necrological rites sa plenary hall ng Senado nitong June 19, 2023

Sa kanyang eulogy, sinabi ni dating Senate President Tito Sotto III na kahanga-hanga ang naging buhay at serbisyo sa bayan ni Sen. Biazon na isang magiting na sundalo na sumabak sa mga tangkang kudeta noong Aquino administration at bilang mambabatas na nag-sulong ng mga mahahalagang panukalang batas sa loob ng ilang dekada.

“He is truly a dynamic, multifaceted individual, and a family man, an excellent soldier, an extraordinary legislator, freedom fighter, and defender of democracy,” he added.

Magkasama sina Sotto at Biazon sa ilaim ng 9th, 11th and 12th Congresses.

Nagbigay pugay naman si dating Senador Gringo Honasan kay Biazon nilang kapwa “old warrior” na magkalaban noong panahon ng kudeta noong 1987, nang si Biazon ang troop commander ng National Capital Region at si Honasan ang lider ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa(RAM).

Naalala ni Honasan si  Biazon na naging “nightmare” ng mga kapwa Senador dahil sa pagtupad nito sa tungkulin.

“We realized that 24/7 is not enough for [Biazon] to explain and share what was in his heart and mind as a soldier who perpetually dreams of peace, unity and the prosperity that we deserve,” diin ni Honasan

Pinapurihan naman ni Senate President Protempore Loren Legarda si Biazon na staunch supporter nya sa mga adbokasiya nya sa climate change, disaster risk reduction, national defense and security.

Sa kanyang facebook post, Nagbigay pugay rin si Senador Lito Lapid kay Biazon na kanyang kaibigan at batchmate noong 2004 hanggang 2010.

“Kaisa tayo ng buong Senado at sambayanang Pilipino sa pag-alala at pagkilala sa kadakilaan ni Sen. Pong(Biazon). Taus-pusong pakikiramay sa pamilya at mga naulila ni Sen. Biazon. Sa aking kaibigan at batchmate sa Senado, paalam at rest in peace!,” pahayag ni Lapid. Nagbigay pugay rin sina dating Senate President Franklin Drilon, Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senador Jinggoy Estrada, Senador Robin Padilla,  dating Senador Joey Lina at Senador Richard “Dick” Gordon.