MAYNILA – Pinaalalahanan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga dayuhan na nasa Pilipinas na ang kanilang deadline para sa kanilang annual report ay ngayong Miyerkoles na (Marso 1).
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang annual report ay pagtalima sa itinakda ng Alien Registration Act of 1950.
Sinimulan ng BI ang processing ng 2023 annual report nitong Enero.
Una rito, sinabi ni Commissioner Norman Tangsingco na nakasaad sa batas na lahat ng dayuhan na nasa bansa na nagtataglay ng immigrant at non-immigrant visa at nabigyan ng alien certificate of registration identity card (ACRI-Card) ay kailangang mag report ng personal sa bureau sa loob ng unang animnapung araw bawat taon.
Kabilang din sa kailangan mag-report ay ang mga refugees at stateless aliens.
Ang venue para sa annual report ay inalis muna sa BI main office at inilipat sa Robinsons Place Manila at SM Mall of Asia, mga lugar na madaling puntahan at accessible sa transportasyon.
Ang mga dayuhan naman na pupunta sa BI para sa kanilang annual report sa mga immigration office sa buong bansa ay kailangan munang mag-register sa BI’s online registration system via http://e-services.immigration.gov.ph.
Kailangan din nilang ipresenta ang kanilang original na ACR I-Card at valid passport gayundin ang pagbabayad ng P300 annual report fee at P10 legal research fee.
Ang mga dayuhan naman na wala sa bansa sa panahon ng reporting period ay maaari pa rin namang magreport sa loob ng 30 days mula sa petsang ng kanilang pagdating sa bansa basta valid pa rin ang kanilang re-entry permits. Para sa mga dayuhang ang edad ay below 14-year old, ang kanilang magulang o legal guardian ang obligadong mag-report para sa kanila. Exempted naman sa personal appearance ang mga senior citizens at persons with disability at maaaring mag-file sa pamamagitan ng kinatawan na may Special Power of Attorney.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO