HINARANG ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na trafficking victims na na nagtangkang umiwas sa immigration clearance gamit ang pekeng departure stamps.
Nababahala si BI Commisioner Norman Tansingo sapangyayaring ito, dahil muli na naman nabuhay ang mga sindikato sa paliparan na nag-aalok ng pekeng dokumento.
“These syndicates give false promises of greener pastures. Despite their appealing facade, their exploitative practices can lead to serious repercussions,” giit niya.
Dinala ang apat na biktima sa inter-agency council against trafficking habang patuloy na iniimbestigahan upang maaresto at makasuhan ang kanilang mga recruiter.
Ayon sa BI chief, inamin ng mga isa sa mga biktima na inalok siya ng isang babaeng recruiter na nakilala lamang niya sa Facebook, hiningan umano siya ng kanyang recruiter ng P120,000 bilang processing fee at pinangakuan ang biktima na madaling makakalampas sa immigration nang hindi mabubuking ang tunay niyang intensiyon.
Nang gabi ring iyon, naharang din ng BI officers ang tatlo pang trafficking victims, na kinabibilangan ng isang 32 at 27-anyos na babae at isang 24-anyos na lalaki, na pasakay na sana sa Jetstar flight patungo sa Singapore, dahil sa kahina-hinala nilang stamps ng kanilang mga pasaporte.
Nagpanggap pa umano ang mga ito na magkakaibigang bibiyahe patungong Cambodia upang maglibang ngunit malaunan ay nabuking na-recruit upang magtrabaho bilang call center agents doon, kapalit ng P50,000 salary para sa 12-hour shift.
Ayon kay Tansingco, hinala nila na ni-recruit ang mga biktima upang magtrabaho sa scam hubs sa abroad na nagpapanggap bilang call centers.
“Similar to the previous schemes, recruiters directed their victims to meet a supposed contact at a fast food chain inside NAIA Terminal 3. This contact would typically take the victims’ passports and boarding passes, then return them with counterfeit stamps,” ani Tansingco. (ARSENIO TAN)
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE