November 3, 2024

BI, KUMPIYANSANG DARAMI PA RIN ANG TOURIST ARRIVALS SA HOLIDAY SEASON (Sa kabila ng banta ng Omicron variant)

Umaasa pa rin ang Bureau of Immigration (BI) na madadagdagan ang arrivals para sa holiday season sa kabila ng travel restrictions na ipinatutupad dahil sa Omicron variant ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, posibleng makakatulong daw sa pagdami ng mga biyahero ang mga bansang wala sa red list ng ating pamahalaan.

Ibinahagi rin ni Morente na sa unang araw ng buwan ng Disyembre ay nasa 85 percent ng mga dumating ay mga Pinoy at karamihan ay mga overseas Filipino workers (OFWs) at mga balikbayan. 

Aniya nasa 6,000 arrivals daw ang naitala ng BI noong Disyembre 1.

Sa buong buwan naman ng December noong nakaraang taon nasa 152,000 passengers lamang ang dumating sa bansa. 

Sa ngayon, nagpatupad na rin umano ng adjustment ang BI para paghandaan ang posibleng pagbuhos ng mta pasaherong dadating sa bansa.

Samantala, sinabi naman ni Carlos Capulong, BI port operations chief, puwede na raw dumaan ang mga Pinoy sa e-gates na inilagay sa mga immigration arrival areas ng tatlong terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa Clark International Airport (CIA) sa Angeles City para unahin ang mga paparating na OFWs ngayong December.

Ang muling pagbubukas daw ng e-gates ay una nang ipinag-utos ni Morente para sa Christmas holiday break dahil na rin sa inaasahang pagbuhos ng international travelers.
 
Dagdag ni Capulong, ang hakbang daw ni Morente ay para masigurong mas mabilis ang pagproses sa mga dokumento ng mga paparating na mga Pinoy.

Agosto noong 2018, naging operational na ang e-gates ng BI pero isinasara noong March 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.