December 21, 2024

BI INILUNSAD UPDATED BORDER CONTROL SYSTEM

Nangako si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na kanilang prayoridad ang overseas Filipino workers (OFWs) na bibiyahe palabas at papasok ng bansa ngayong holiday season.

Ayon kay Tansingco, inilunsad nila kamakailan lang ang latest update ng kanilang Border Control Information System (BCIS), na siyang centralized database ng lahat ng travel records ng mga papasok at palabas na pasahero.

Ibinahagi ni Tansingco na sa pinakahuling update na inilunsad noong Oktubre 28, naayos na nila ang mga technical glitches lalo na sa connectivity sa overseas employment certificate (OEC) validation system ng Department of Migrant Workers (DMW).

Ang system ay isang database sharing information na magbibigay-daan sa BI na ma-access ang mga record ng OEC ng DMW, na nagbabawas sa paperwork para sa mga papaalis na OFW. Ang nasabing system ay isinama sa system ng BI, na nagpapahintulot sa immigration officer na hanapin at tignan ang OFW record na naayon sa ipinakitang OEC.

Bukod sa pinabilis na proseso, pinapayagan din ng system ang BI officer na mabilis na ma-verify at intercept ang pekeng OECs sa pagpepresenta ng illegal recruitment at human trafficking victims.

“This e-system has truly been instrumental in the improvement of services of both the BI and the DMW for OFWs,” saad ni said Tansingco.  “We thank DMW Secretary Susan Ople for the partnership in improving services for our kababayans,” pahayag pa niya.

Dagdag pa ng opisyal, naresolba na rin ang karamihan sa technical glitches kamakailan lang, at patuloy silang nakikipag-ugnayan sa DMW kaugnay sa improvement na kanilang ipinatutupad sa system.

Aniya, isa na nga rito ay pagpapalabas ng DMW ng QR code na pinapayagan ang mga OFWs na maka-access sa kanilang record, na isinama sa system ng BI.