January 19, 2025

BI CHIEF PINASALAMATAN SI PBBM SA PAGBIBIGAY PRAYORIDAD SA BAGONG IMMIGRATION LAW

NAGPAPASALAMAT si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para himukin ang mga mambabatas na ipasa ang Immigration Modernization Act, bilang kapalit ng 82-anyos na immigration law.

Sa kanyang ikalawang State of the Nation addressed nitong Lunes, muling iginiit ni President Marcos ang pangangailangan na maipasa ang mga bagong batas upang palakasin ang nation-building.

Umapela si President Marcos sa Kongreso na suportahan ang mabilisang pagpasa ng ilang panukalang batas kabilang na ang excise tax on single use plastics, military and uniformed personnel’s pension, amendment of the anti-agricultural smuggling act, new government procurement law, Tatak Pinoy law, and ease of paying taxes.

Kabilang sa mga binanggit ni President Marcos ay ang Philippine Immigration Act.

Taos pusong nagpahayag ng pasasalamat si Tansingco sa Pangulo sa pagkilala ng kahalagahan updated immigration law sa pag-unlad ng bansa.

Binigyang-diin niya na ang ilang mga probisyon ng outdated Philippine Immigration Act of 1940 ay wala ng halaga sa makabagong panahon, kaya naman ang paggawa ng bagong batas ay isang tagumpay para sa administrasyon.

Ang panukalang batas na layuning gawing makabago at palakasin ang kakayahan ng Bureau of Immigration (BI), ay naging matagumpay sa House of Representatives nitong May 29, at tamang-tama sa State of the Nation Address o SONA ni President Marcos. Ang bagong batas, na tinawag bilang priority bill, ay inaasahang magpapabago sa travel experience at mas pahihigpitin ang border security. ARSENIO TAN