PUMANAW na ang cannes-winning actress na si Jaclyn Jose sa edad na 59.
Sa ulat ng ilang media outlets, Marso 2, 2024 ng madaling araw nang pumanaw ang naturang aktres. Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa inilalabas ang dahilan ng kanyang pagyao.
Mabilis na kumalat ang malungkot na balita nang maglabas ang talent agency ni Jose na PPL Entertainment Inc., nang maiksing statement.
“It saddens us to inform everyone of the untimely passing of Miss Jaclyn Jose (real name Mary Jane Guck). More details will be shared as soon as they are available.
The Guck and Eigenmann families are requesting for everyone to please pray for the eternal repose of Miss Jaclyn Jose and for them to be allowed the respect and privacy to mourn her passing, and navigate these difficult times,” pagtatapos ng statement.
Isinilang si Jaclyn noong Oktubre 21, 1964.
Noong 2016, siya kauna-unahang Filipino na nanalo ng Best Actress Award sa prestihiyosong Cannes Film Festival para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Ma’Rosa.”
Sa local scene, nakatanggap si Jose ng acting accolades mula sa Gawad Urian, Famas, Luna Awards at iba pang award-giving bodies.
Naging pamilyar si Jose sa Philippine TV dahil sa galing niya sa pag-arte simula noong 1990s hanggang sa kasalukuyan.
Ilan sa kanyang mga naging drama series ay ang “Mula Sa Puso,” ” Marimar” at “Alyas Robinhood.” Huli siyang napanood bilang Chief Espinas sa “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin. Mayroon siyang mga anak, ang actress na si Andi Eigenmann at Gwen Illagan Guck.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON