Nakatutok ang Department of Tourism sa umano’y pagtakas sa quarantine ng isang babaeng Omicron positive na nag-party pa raw sa Poblacion, Makati.
Sa pahayag ng DOT, binigyan nila ng tatlong araw ang hotel para ipaliwanag ang tungkol sa mga bintang na pinayagang umalis umano ang babae na nagpositibo sa COVID-19.
“The hotel in question is currently being investigated and has been served a Notice to Explain (NTE), directing the establishment to submit its response to the allegations within three days,” wika ng DOT.
Hindi pinangalanan ng ahensya ang hotel na kanilang iniimbestigahan, ngunit ayon sa source ng Bilyonaryo, ang Berjaya Hotel sa Makati ang pinagpapaliwanag ng DOT.
Ayon sa ulat ng Bilyonaryo, nag-quarantine umano ang babaeng binansagang ‘Gwyneth Chua’ sa Berjaya noong December 22, bago ito magpositibo sa COVID-19 noong December 27.
Tumanggi naman ang hotel na nilabag nila ang quarantine protocol, base sa source ng Bilyonaryo.
Samantala, nagbabala naman ang DOT na mananagot ang management ng hotel na nagpalabas sa COVID-19 positive na babae.
More Stories
Sherwin Tiu idedepensa ang titulo sa Pozzorubio Rapid Chess tilt
NAVOTAS, PINARANGALAN ANG FISHING HERITAGE SA ARAW NG MANGINGISDA
LABIS NA PAGDIDISPLINA SA BATA PASOK SA CHILD ABUSE