Naniniwala si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Lorenzo Eleazar, na ang napabalitang bentahan ng vaccine at vaccination slot sa online ay may posibilidad na isang uri lamang ito ng scam na target ang ilang tao na posibleng lokohin at hindi rin aniya inaalis ng PNP na isa rin itong politically motivated para siraan ang reputasyon ng ilang Local Government Unit (LGU) officials.
Sinabi rin ng PNP Chief na ang mga isinagawang monitoring ng Anti-Cybercrime Group (ACG), na sa lahat ng online platforms ay walang nagresulta ng mga nag-a-alok o nagbebenta ng mga vaccines at vaccination slots.
“Lumalabas sa imbestigasyon ng ACG na iyon mga sinasabi natin na nagbebenta ay direktang kumokontak sa pamamagitan ng private messages sa kanyang mga balak pagbentahan. Malamang para umiwas na mapansin ng ating law enforcement agencies kung gawing public ang post niya,” ani ni Eleazar.
Sinabi rin niya na ang ginawang imbestigasyon ng ACG sa sinasabing bentahan posibleng panibagong uri ng online scam.
“Kung titignan natin iyong mga unang inalok ng bakuna at slots sa ating mga LGU, pareho silang may legitimate online businesses. Parehong negosyante na inalok gamit ang direct messaging. Kaya posible na sila lang ang tinarget ng mga scammers,” giit pa ni Eleazar.
Makaka-asa umano ang publiko na patuloy ang gagawin pag-monitor ng ACG at koordinasyon sa mga barangay at Local Government Unit (LGU) police offices.
Dahil aniya na ang iligal na pagbebenta ng bakuna ay idinaan sa pribadong komunikasyon ay kanyang hinihikayat ang publiko at mga netizens na posibleng target ng mga illegal sellers at scammers na makipagtulongan sa ganitong kaso.
Hinihikayat din niya ang publiko na agad tumawag at magreport sa PNP’s E-Sumbong Complaint Monitoring and Referral system kung mayron nalalaman na mga nagbebenta ng vaccines dahil ito aniya ay libreng ipinamimigay sa mga residente ng mga LGU’s pagkatapos ng pagpaparehistro. (Koi Hipolito)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA