BINIGYAN ng sampung araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DoH_ at Department of Budget and Management (DBM) upang mapabilis ang agarang pag-release ng mga benepisyo ng frontline health workers na patuloy na nakikipaglaban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.
Inilabas ni Duterte ang direktiba matapos dumaing ang ilang grupo ng medical professionals mula sa pribadong ospital kaugnay sa hindi pagpapalabas ng kanilang special risk allowance (SRA) at pagtanggal ng kanilang iba pang benepsiyo sa gitna ng nagaganap na pandemya.
Sa kanyang pre-recorded public address na inire kaninang umaga, sinabihan ni Duterte si Health Secretary Francisco Duque 3rd na gamitin ang available funds at humanap ng iba pang mapagkukunan ng pondo para mabayaran ang healthcare workers.
“It’s an order, Secretary Duque, bayaran mo (pay [the medical frontliners]. Use whatever money there is. Bayaran mo ‘yung hinihingi ng mga nurses, both in government and those outside of government volunteers,” saad ni Duterte.
“I am committed to leading our nation out of this pandemic, with the help of front-line institutions so that we can be victorious,” dagdag niya.
Inatasan din ni Duterte ang DBM na bilisan ang pag-release ng pondo para maipamahagi ang benepisyo sa medical frontliners.
“I know that ‘Bayaran mo,’ it is upon your request to the DBM. Hindi ikaw magkuha dyan sa bulsa mo para ibayad mo. I would like now, itong naghawak ng pera or authority to spend, DBM, I’m giving you 10 days,” sambit ni Duterte.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE