Nagpapasalamat si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa QCitizens sa pakikiisa sa kanyang panawagan na ligtas na selebrasyon ng Bagong Taon.
Nitong Enero 2, naitala ng tatlong ospital sa QC ang 26 cases ng firecracker-related injuries at isang stray bullet case.
Ang kabuuang bilang ng nadale ng paputok sa NCR ay umabot sa 125.
“Tayo po ay nagpapasalamat sa ating law and order cluster sa kanilang mahusay at agarang aksyon. Ang kanilang paglilibot at pagbabantay ay nagdulot ng kaayusan sa pagsalubong ng bagong taon para sa ating QCitizens,” ayon kay Belmonte.
“Nagpapasalamat din po tayo sa QCitizens na nakiisa sa ating kampanya upang maiwasan ang pagdami ng mga kaso ng firecracker injuries at maging mas ligtas at masaya ang pagpasok ng bagong taon,” dagdag pa ng alkalde.
Iniulat din ng Quezon City Police District ang zero deaths at idineklara na ‘generally peaceful’ ang selebrasyon ng Bagong Taon.
Noong New Year’s Eve, naitala ng QCPD ang isang kaso ng pagpaputok ng baril sa Barangay Kaligayahan.
Narekober ng Pasong Putik Police Station 16 ang isang caliber .99 pistol, dalawang magazine na may pitong ammunition, at pitong fired cartridge cases mula sa suspek, ayon sa QCPD Public Information Office.
Bago ang holidays, naglabas si Belmonte ng executive order na nagre-regulate sa manufacturer, nagbebenta at paggamit ng paputok sa buong siyudad at pinayagan lamang ang fireworks sa mga lugar na aprubado ng lokal na pamahalaan.
“We commend the city government through the leadership of Mayor Joy Belmonte for taking proactive steps to ensure the safety of our residents during the holiday celebration,” ayon kay QCPD Director PBGen. Nicolas Torre III.
Nagsagawa ang local police district kasama ang city law and order cluster na pinamumunuan ng Department of Public Order and Safety ng Operation Ligtas Paputok para ipatupad ang Executive Order No. 54 Series of 2022.
Winasak din ng QCPD ang mahigit sa P800,000 na halaga ng pinagbabawal na paputok at pyrotechnics sa pinaigting nilang operasyon kasama ang 16 police stations, QCPD Explosive and Ordnance Division (EOD) at Bureau of Fire Protection (BFP).
Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng kanilang sariling fireworks display sa Quezon Memorial Circle, kasabay sa mga malls tulad ng SM, Robinson at Eastwood, upang salubungin ang Bagong Taon.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA