TIMBOG ang isang ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Malou”, 58, ng Brgy. Rincon.
Ayon kay Col. Cayaban, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang suspek sa kahabaan ng Pasolo Road, Brgy. Pasolo matapos umanong bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 32 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P217,600.00, buy bust money na isang P500 bill at walong P1,000 boodle money, coin purse at P200 recovered money.
Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang SDEU hinggil sa umano’y illegal drug activities ng suspek kaya ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay ‘Malou”.
Sasampahan ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5, at 11 sa ilalim ng Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag