May 19, 2024

BEA ALONZO, BIBIDA SA ISANG HOLLYWOOD FILM, SEN. PACQUIAO, ISA SA EXECUTIVE PRODUCERS

Bibida sa si Bea Alonzo sa isang Hollywood war film na pinamagatang ‘ Angel Warrior’. Naku, ibang level na talaga ang nasabing aktres. Gagampanan ni Bea ang papel bilang si Tala. Kaya naman, happy at excited na ang Kapuso star.


Ang pelikula ay base sa nangyari noong World War II. Kung saan, isa sa plot nito ay ang pakikipaglaban ng mga Pilipino noong Japanese occupation.


“Secret is out! Yes, I’ll be doing a World War II film soon. I’ll keep you posted about the future developments,” ani Bea sa kanyang Instagram account.

Hindi lang basta-basta ang gagawing movie. Dahil isa pala sa executive producers nito ay si Sen. Manny Pacquiao. Kasama rin ni Pacquiao rito si John Shepherd. Ipo-produce naman ito ni Francis Lara, ang founder ng Inspire Studios.