BAYANI SA TOTOONG BUHAY. Ginawaran ng pakilala ni Clark Development Corporation (CDC) Officer-in-Charge for Office of the Chairman and Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President at CEO Sec. Vivencio Dizon (ikatlo mula sa kaliwa) si CDC Director Arturo Ortiz (ika-apat mula sa kaliwa) sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Clark 4D Theater. Kinilala si Ortiz dahil sa kanyang kagitingan at katapangan matapos nitong pangunahan ang Special Forces laban sa mga rebelde noong ito’y nanunungkulan pa bilang militar. Ang kanyang kabayanihan kasama ang iba pang militar ay kinilala sa pandaigdigang pelikula na may pamagat na “Kagatingan: A true story of Valor. Kasama rin sa isinagawang aktibidad ay sina (mula kaliwa pakanan) CDC Officer-in- Charge for Office of the President and CEO Engr. Mariza Mandocdoc, CDC Director Manuel R. Gaerlan, atVice Chairman Benjamin Defensor, Jr. (CDC-CD Photo)
KAGITINGAN: Nagsalita sa harap ng CDC members of the Boards at management si Clark Development Corporation (CDC) Director Arturo Ortiz (kaliwa) matapos makatanggap ng pagkilala mula sa state-owned firm. Kinilala si Ortiz dahil sa ibinigay nitong karangalan sa bansa nang maisapelikula ang kagitingan at katapangan ng Special Forces matapos nitong pangunahan ang pakikipaglaban sa mga rebelyon na may pamagat na “Kagitingan: A True Story of Valor.” Kinilala sa ibang bansa ang naturang pelikula matapos humakot ng dalawang awards – Best Screen Play at IFFM Most Popular Awards — sa International Film Festival Manhattan (IFFM) 2020 sa New York. Kasama rin sa larawan sina (mula kaliwa pakanan) Director Jon Castro, CDC – Officer-in-Charge for Office of the President and CEO Engr. Mariza Mandocdoc, Vice Chairman Benjamin Defensor, Jr., Director Manuel R. Gaerlan, Officer-in-Charge for Office of the Chairman and BCDA President and CEO Vivencio Dizon, Director Filemon Santos, Jr., at Director Luisito Clavano.
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR