May 2, 2024

BBM-INDAY SARAH TANDEM, ‘MARRIAGE MADE IN HEAVEN’

Espekulasyon ngayon mga Cabalen ang posibilidad na magtambal sina Bongbong Marcos at Sarah Duterte-Carpio. Ito’y matapos ng ng ilang serye kung saan ay nagtungo ang dalawa sa Cebu. Senyales daw ito ng pagtatambal nila.


Ang sitsit, mga Cabalen, nakikipag-usap daw si Inday Sarah kay BBM sa posibleng tandem. Bukod kay BBM, pati si Sen. Bato De La Rosa ay kinakausap din nito.


Kaya, may posibilidad na magwithdraw umano si Sen. Bong Go na tumatakbong Bise Presidente. Tapos ay sasalang si Sarah dahil magkapareho sila ng partido. Kaya, sanib-puwersa na nito ni BBM.


Kayo mga Cabalen, may hinala kayo na magtatambal ba ang dalawa? Kung magkakatotoo ito, aba’y tulog ang kalaban. Ika nga ni Sen. Imee Marcos, tandem ‘marriage in heaven’ ito. Malakas ang tambalan ito dahil kay BBM ang ‘solid north’. Kay Sarah naman ang ‘solid south’. ‘E dahil ang Cebu ay isa sa malakas na balwarte sa Visayas at sa buong bansa, aba’y yari na.


Maraming politiko ang naghahangad na makakuha ng malaking boto sa nasabing pook. Na sinasabing ‘ Queen of South’. Kapag nakuha nila ito, malaki ang tsansa nilang manalo. Kayo, mga Cabalen, ano sa tingin n’yo?