November 2, 2024

BBM, HABANG LALONG SINISIRAAN, LALO NAMANG LUMALAKAS

Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. May kasabihan nga na ‘you can’t put the good man down’. Yan ang sisteng nakikita natin kay presidential aspirant Ferdinand ‘ Bongbong ‘ Marcos Jr.

Dahil sa malakas na maihahalintulad sa isang punong hitik sa bunga, pilit siyang pinupukol. Sinisiraan, inuupat at hinahalukay pa ang mga kasiraan na wala namang basehan. Na kung tutuusin ay matagal nang nimot ng panahon ang mga akusasyon laban sa kanya.

Ang tangi lang nilang masasabi ay ‘ magnanakaw’, anak ng diktador’. Pero, marami na sa mga kababayan natin ngayon ang mulat.

Batid na nila ang nagawa ng mga Marcos. At alam na nila kung sinong kandidato ang talagang makagagawa ng maayos at mabuti para sa ating bayang Pilipinas.

Speaking of paninira sa kanya, kasama na rito ang mga inihaing disqualification cases, hayun, puro ibinasurang lahat ng COMELEC. Wala naman kasing basehan at puro paninirang puri lang. Habang lalo nilang sinisiraan, lalo namang tumaas sa survey si BBM.

Pati sa exit polls sa ibang bansa, siya rin ang nangunguna. Pikit-mata man nating isipin, si BBM ang talagang pulso ng nakararami. Yan ang katotohanan na hindi nila kayang tanggapin.

Habang lalo nilang sinisiraan, lalo naman itong lumalakas. Malalaman ng lahat ang sigaw at boses ng taumbayan sa darating na halalan sa Mayo 9. Na siyang araw na pinakahihintay ng ating mga kababayan. Adios Amorsekos.