Bilang tanda ng pagmamahal sa kapwa, nagkaloob ang Chinese Embassy ng ayuda para sa mga nasalanta ng bagyong Odette. Sa tulong ng local Filipino Chinese Community, ipamamahagi ang unang batch ng 20,000 family food packs. Ito’y para sa mga kababayan natin sa Visayas at Mindanao na naapektuhan ng bagyo.
Partikular sa Cebu, Negros Occidental at Oriental, Bohol, CagayanDeOro at Siargao. Ang lingap ay naipaabot matapos magkaloob ang China ng mahigit sa 4.8-milyon kilo ng bigas upang ibigay at pakinabangan ng mahigit sa libo-libong pamilyang Pilipino. Tanda rin ang naikasang bayanihan ng pagpapatibay ng ugnayan at pagkakaibigan ng China at Pilipinas.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna