December 24, 2024

Batangas PNP kaisa sa paghahanda sa seguridad sa unang SONA ni PBBM

Kaisa ang Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni BPPO Provincial Director PCol. Glicerio Cansilao, sa ilalim ng pangangasiwa ni PRO Calabarzon PBGen. Antonio Yarra sa paghahanda upang tiyakin ang seguridad sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gaganapin sa Lunes, Hulyo 25, 2022 sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Kasama sa mga paghahanda ng Batangas PPO ang pagbuo ng nasa 52 Augmentation of Personnel bilang karagdagang pwersa at tatayong Civil Disturbance Management (CDM) Contigent; inter-agency coordination meeting sa ibang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng AFP, LTO, at LTFRB; pag-activate ng Strategic Control Points (SSCPs) at Law Enforcement Checkpoints (LECs) sa lalawigan ng Batangas na nagsimula pa kaninang alas 6:00 ng hapon ng Hulyo 22, 2022; pagpapaigting ng intelligence monitoring sa mga maaaring magdulot ng kaguluhan sa panahon ng SONA; at pag-papaalala sa mga tauhan ng Batangas PPO na maging alerto at mapagbantay upang masiguro ang seguridad ng lahat.

Samantala, isang CDM Simulation Exercise ang isinagawa noong Hulyo 21, 2022 sa Bigkis-Lahi Event Center, Camp BGen Vicente P Lim, Calamba City, Laguna kung saan kasama sa mga nakilahok ay ang CDM Contigent ng Batangas PPO at tinanghal itong 3rd Placer.

Bahagi ng Simulation Exercise ay ang showdown inspection ng mga kagamitan, tamang bihis ng mga contingents, pagpapakita ng 8-basic formation at scenario gayundin ang pagsuri kung mayroon silang sapat na kaalaman at karanasan para mahawakan ang mga nakakabahalang sitwasyon. Sinuri rin pagtalima ng mga contigents sa maximum tolerance sakaling maharap sila sa mga hindi kanais-nais na insidente sa gaganaping SONA.

 “Ang lahat ng mga  kapulisan sa CALABARZON ay nakahanda para sa darating na SONA. Muli ding Pina-alalahanan ang lahat ng mga kababayan sa Calabarzon na may Gun Ban na umiiral sa buong Rehiyon R4A at sa Metro Manila simula ngayong July 22, 2022 na mag tatapos ng hanggang July 27, 2022, sa huli Umaasa si Yarra na ang lahat ay lubos na makiki-pag kooperasyon at makikiisa sa layunin ng mga  programa ng Pulisya (PNP),” ayon kay PBGen. Yarra.