December 24, 2024

BATAAN NUCLEAR POWER PLANT, MAINAM NA MULING BUKSAN

Panahon na ba upang ibalik muli sa operasyon ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP)? Kapag presyo ng kuryente ang pag-uusapan, nababanggot ang BNPP.


Tuwing summer, tumaas ang presyo ng kuryente. Kesyo nasa mataas daw ang kunsumo ng consumers dahil maalinsangan. Malay ba ng Meralco kung yung iba ‘e nagtitipid!


Hindi bito ang presyo ng kuryente rito sa atin sa Pilipinas. Tayo yata ang pinakamahal sa buong Southeast Asia. O sa buong Asya o mundo pa nga.


Ito ay dahil sa gumagastos ang kinauukulan ng pagkamada sa panggatong. Na ginagamit sa pagkakaroon ng kuryente. maraming pwedeng gawing renewable source para sa alternatibong makapagkukunan. Gaya ng solar, geothermal at hyro-electric energy.


Subalit, hindi ito makakasapat. Ika nga ng ilang senatoriable candidates, mainam na buksan muli ang BNPP. Sa gayun ay madali ang proseso ng paggawa ng enerhiya. Makatitiyak na mura ang kuryente. Alam natin kung bakit natengga ito ng ilang taon.


Hindi bubuksan ang BNPP para ikamada ang nuclear weapon. Kundi para mapagkunan ng enerhiya. May mga habang naman para maging ligtas ito. Sa gayun ay hindi magaya sa ibang planta gaya nang nangyari sa Chernobyl sa Ukraine noong dekada 80.


Maging paraktikan tayo dahil ang totoo, mas maunlad ang bansa na mayroong plantang nuclear. Huwag nating tinggan ang negatibong perspective nito. Dahil magagawan iyan ng paraan.


Huwag tayong pumayag na nahuhuli na tayo sa kaunlaran. Kaya, panahon na upang ibalik muli sa operasyon ang planta. Huwag na natin itong haluan ng politika. Isipin natin ang magandang dulot nito sa ating bayan at sa ating mga kababayan.