DINEMOLIS ni Baseth ‘Kingpin’ Macaibat ng Pilipinas ang dayuhang kalaban mula Taiwan na si Chang ‘Jung-Lin upang pagharian ang malupit na race- to-63 na torneong Sharks One-on-One 10-Ball Championship sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Ang pambatong bilyarista mula Dasmarinas City sa Cavite na si Baseth( tanyag sa bansag ng Kingpin sa billiards community) ay agad na inapula ang pagbuga ng apoy ng tinaguriang Fire Dragon mula Chinese Taipei matapos iposte ang malaking bentahe sa kanilang unang sarguhan nitong Enero 14 sa iskor na 21-6 pabor sa Pinoy cue artist.
Nabigong sumiklab si Fire Dragon sa pagpatuloy ng race sa ikalawang tumbukan( Enero 15) dahilan upang mamaga ang kalamangan ni Macaibat at mapalapit sa trono ng torneong inorganisa ng Sharks Billiards League sa timon ni Direk Hadley Mariano ng BMPPA at suportado ng Hardtimes Sports Bar,Andy Billiads Cloth at Bugsy Promotion.
Tuluy- tuloy ang pananalasa ni Baseth sa pampinaleng araw ( Enero 16) at tuluyan nang nawalan ng usok ang kalabang dragon upang angkinin ang tagumpay lakip ang premyong salapi at pag-usad ng ranking sa SBL na torneong may basbas ng Games and Amusement Board( GAB).
“Heavy pa rin ang mga pambato natin . Kaya malaking tulong ang mga ganitong uri ng kumpetisyon na may mga magagaling ng dayuhang kalaban kaya tuluy- tuloy ang Sharks sa paghubog ng mahuhusay at potential nating
bilyaristang pang- international”, wika ni Hadley,anak ng tanyag na businessman,sports patron Perry Mariano ng Quezon City. ” Naunahan ko si Fire Dragon kaya di ko na hinayaan pang makabuga ng apoy. Mapanganib na bigyang pagkakataon ang mga Taiwanese pool artist.Ang tagumpay na ito ay para sa aking kababayang Pilipino,” sambit ng bagong haring si Baseth Macaibat.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON