January 17, 2025

‘Basag-kotse’ umatake sa Cavite; P1.5-M alahas at pera natangay

BINASAG ng hindi pa kilalang mga suspek na magnanakaw ang isang Toyota Land Cruiser na kulay puti na may plakang NCP 8904 at kinuha ang isang bag na naglalaman ng mga alahas at pera na nagkakahalaga ng P1.5 milyon na nangyari noong gabi ng Miyerkules, Enero 15, 2025, sa Brgy. De Ocampo, Trece Martires City, Cavite.

Kinilala ang biktima na may ari ng sasakyan na si Ginang Cecilia Dela Cruz, 54 taon gulang, isang contractor at residente ng Brgy. Pasong Kawayan 2 ng General Trias City, Cavite.

Ayon sa report ng biktima sa mga imbestigador ng Trece Martires City Component Police Station, bandang alas-7:00 ng gabi ng kaparehong araw ng kanyang iparada sa parking lot ng MV Santiago Medical Center sa nasabing lugar ang kanyang sasakyan at makalipas ang apat at kalahating oras ng kanya itong balikan ay nakita na ng biktima na basag ang salamin ng sasakyan at nawawala na rin ang kanyang bag na naglalaman ng mga assorted jewelries na nagkakahalaga ng P550,000 at cash na P970,000at may kabuuang P1,520.000.00.

Inaalam na ngayon ng mga otoridad ang pagkatao ng mga posibleng suspek na responsable sa krimen sa pamamagitan ng kuha ng CCTV sa lugar. (KOI HIPOLITO)