TINATAYANG mahigit P.4 milyon halaga ng shabu at isang baril ang nasabat ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang bebot matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, Linggo ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Roselyn Alegado alyas “Justin”, 39, Eduardo Elizalde alyas “Estang”, 41 at Juluis Bautista alyas “Lucas”, 29, pawang residente ng Brgy., Tonsuya, Malabon City.
Batay sa report ni Col. Daro kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, dakong alas-10:40 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa P. Aquino Avenue beside Our Lady of Lourdes Eternal Park Cemetery, Brgy. Tonsuya kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P1,000 halaga ng shabu.
Nang matanggap ang pre-arranged signal mula sa kanilang kasama na nagsilbing poseur buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga sa target nila ay agad lumapit ang back up na mga operatiba saka inaresto ang mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang apat heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may standard drug price P427,380.00, buy bust money at isang cal. 45mm pistol na may dalawang magazine at 11 pirasong bala na nakuha kay Elizalde.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) habang karagdagan kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunation) ang kakaharapin ni Elizalde.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag