Ipinahayag ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang kanyang intensiyon na maging “wingman” ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na nakatakdang maging susunod na Speaker ng House of Representatives.
“Just like in the movie Top Gun: Maverick movie, I can be his (Romualdez) wingman,” ani ni Barbers.
Nangako si Barbers na itutulak ang legistative agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Siya ay naging miyembro ng 11th, 12th, 13th, 17th, at 18th. Kasalukuyan siyang naglilingkod sa kanyang ikatlong sunod na termino sa bagong 19th Congress.
Si Romualdez ay presidente ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) habang si Barbers ay miyembro ng Nacionalista Party (NP) ng bilyonaryong si Manny Villar.
Si Presidential son Ilocos Norte Rep. Sandro Marcis ay stalwart ng NP gayundin si Sen. Imee Marcos, ang kapatid ni Pangulong Marcos.
Ayon kay Barbers, hindi na bago kung ang Speaker at kanyang Majority Leader ay hindi miyembro ng iisang partido kung pipiliin siya ni Romualdez.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA