HIMAS-REHAS na ngayon ang isang barangay tanod na nagtutulak at nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang search operation ng mga tauhan ng Laurel Municipal Police Station sa Brgy. San Gabriel, Laurel, Batangas noong Oktubre 18, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas Mark, 45 taong gulang, kasal, at residente ng naturang barangay. Siya ay tinukoy ng pulisya bilang isang Street Level Individual (SLI).
Base sa report dahil sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte isinagawa ang paghahalughog sa bahay ng suspek para sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, nasamsam mula sa suspek ang isang STI cal. 45 na baril, dalawang magazine, 14 bala ng cal. 45, isang black holster, at isang black sling bag. Narekober din ang 15 plastic sachet ng mga hinihinalang shabu na may bigat na 15.2 grams at tinatayang nagkakahalaga ng O103,360, kasama na ang isang digital weighing scale, cellphone, at isang motorsiklo.
Nahaharap ngayon ang nakakulong ng suspek sa Laurel Holding and Custodial Facility sa mga kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (KOI HIPOLITO)
